Naga City Task Force for Illegal Drugs hiningi ang tulong ng mga Barangay opisyal sa pagbantay sa mga persons who use drugs ngayong Semana Santa

NAGA CITY – Mas dapat na bantayan ng mga barangay opisyal sa kanya-kanyang lugar ang mga Persons Who Use Drugs para matiyak na hindi makagamit ang mga ito ng illegal na druga tulad ng marijuana at shabu sa pag-obserba ng semana santa.

Read More:  Gunmen kill farmer in hail of bullets outside home in southern Negros town

Sa talaan ng Task Force for Illegal Drugs na pinamumunuan ni City Councilor Melvin Ramon” Omar” Buenafe,chairman ng Peace and Order,Public Safety sa konseho,lumabas na marami sa mga PWUDs ang mga pasaway,hindi sumusunod sa mga programang inilaan sa kanila lalo na iyong nasa After Care Program at malungkot pa, iyong iba ay bumalik sa dating bisyo.

Read More:  10 dead in Malapatan, Sarangani landslide; two families buried

Batay sa paliwanag ni Buenafe sa media at sa Brigada News Fm Naga,ang hindi pakikipag-cooperate ng ilan sa mga PWUDs ang isa sa nakikita nilang dahilan sa kahirapan nilang madagdagan ang bilang ng mga drug-cleared barangay sa lungsod,na 13 pa lamang.