NAGA CITY – Marami pa rin ang bilang ng kinukonsiderang Persons Who Use Drugs o PWUDs sa Naga City sa kabila ng pagpatupad ng mga programa ng Naga City Dangerous Drugs Board, kaya ngayong taon 2024 mas paiigtingin pa ang mga programa laban sa iligal na droga.
Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Toti Importante, Head ng NCDDB na kung saan binanggit niya rin na tuloy ang pagpatupad nila ng community based program, na kinabibilangan din ng Barkada Kontra Druga sa mga paaralan.
Ayon kay Importante, patapos na ang unang batch ng aftercare program, kaya naghahanda na sila para sa ikalawang batch nito, tuloy din ang pakikipag-ugnayan sa mga bagong barangay opisyal.
Sinabi niya na hindi basta lang ang mga programang nakapalaman sa aftercare dahil sa nangangailangan ito ng higit na pag-monitor sa mga PWUDs, ng pulisya at maging ng mga personahe ng Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA.
Aminado siyang ang ilan ay bumabalik sa masamang bisyo na ibinabalik muli rehabilitation center.