Nadine Lustre, walang nakikitang problema na makatrabahong muli si James Reid

Walang nakikitang problema ang aktres at performer na si Nadine Lustre na makatrabahong muli ang dati niyang boyfriend at on-screen partner na si James Reid.

Sa isang artikulo, sinabi ng aktres na bukas siyang makatrabahong muli ang aktor.

Huling nagkatrabaho ang dalawang bituin, na kilala ng mga tagahanga bilang JaDine noong 2018 para sa pelikulang “Never Not Love You.”

Read More:  Sarah Lahbati sparks ‘Hard Launch’ buzz with mystery man

Naghiwalay sina Reid at Lustre noong 2020 ngunit patuloy umano nagtutulungan ang dalawa. Sa katunayan, si Reid ang tumulong sa mga musical projects ni Lustre noong nakaraang taon, kabilang ang isang digital concert na ginawa ng Careless Music na co-owned ng aktor.

Read More:  Wilbert Ross shuts down rumors linking him to designer Paul Cabral: ‘Jusko, lahat na lang’

Kasalukuyang may relasyon ang aktres sa kanyang French businessman boyfriend na si Christopher Bariou.

Ibinahagi ng aktres na nagkakilala sila sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigan nang bumisita siya sa Siargao noong Hulyo ng nakaraang taon.