Ibinahagi ni DepEd chief of School Health Division Maria Corazon Dumlao, na nasa 76 percent mula sa 11,465,786 ng 12-17 years old students na walang comorbidities ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
Mula sa kabuoang bilang, 7,342,978 o 64 percent ang fully vaccinated, habang 1,393,736 o 12.16 percent ang nakatanggap ng single shot.

Samantala, sinabi naman ni Dumlao na mula sa 1,273,976 ng 12-17 years old na may comorbidities, tanging 23.33 percent o 297,191 ang nakatanggap ng bakuna, kung saan 205,234 ang fully vaccinated, habang 91,957 ang nakatanggap ng first dose. //MHEL PACIA-TRINIDAD