Na-aagnas na bangkay, natagpuan sa Polomolok

KORONADAL CITY — NASA stage of decomposition na nang matagpuan ang isang bangkay kahapon ng umaga sab kahabaan ng By Pass Road, Purok Malipayaon, Barangay Klinan 6, Polomolok, South Cotabato.

Ayon sa Polomolok PNP na nakagapos sa likod ang mga kamay ng biktima gamit ang nylon, habang nakagapos naman ng masking tape ang paa nito at tinakpan ng itim na T-shirt ang mukha na nakabalot rin ng masking tape.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa ngayon ang bangkay ng biktima ay dinala na sa Ariane Funeral Services sa National Highway, PurokMalipayon, Barangay Labangal General Santos City upang isailalim sa post mortem examination.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan nito, at kung sino ang salarin at motibo nito sa krimen.