Pinuntahan ngayong Undas ng ilang may kaanak sa Manila Memorial Park ang Museleo ng Aquino kung saan nakalagak ang labi nina yumaong dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, dating Pangulong Corazon Aquino at dating Senador Ninoy Aquino.
Nasa pusod ng nasabing sementeryo ang puntod ng mga Aquino pero sinasadya talaga ng ilan na puntahan ito.
Samantala, walang libreng sakay sa sementeryo kaya’t mahaba habang lakarin ang iaalay kaya’t payo ng Manila LGU na magdala na ng payong at magbaon din ng inuming tubig.
Ayon sa huling ulat ng pamunuan ng libingan, umabot na sa 34K ang dumayo sa kanilang mga kaanak at asahang mas dadagsain pa ito ngayong araw.
Nabatid noong nakaraang taon ay sumipa sa higit 72K ang bumisita sa sementeryo.
