Municipal Police Station, naging pansamantalang ‘yaya’

SORSOGON CITY – Naging pansamantalang tagapag-alaga  ng mag-iisang taong sanggol ang mga police on duty sa Municipal Police Station ng Gubat, sa lalawigan ng Sorsogon.

Nakilala umano ng isang pulis na naka-duty noong oras na iyon ang babae na nagmula pa sa bayan ng Castilla dahil nakikita na nya ito roon noong doon pa sya nakatalaga.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Hindi umano makausap ang babae dahil sa pagkatuliro at pagkahapo nito dahil sa malayong paglalakad.

Naisipan na lamang na bigyan ng pagkain at alagaan pansamantala ang dala nitong bata hanggang sa makapagpahinga.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nag-ambag naman para sa konting halaga ang mga tauhan ng himpilan para sa konting panggastos, pamasahe at food pack at tiniyak na makababalik sa pinagmulan nitong lugar ang mag-ina.

Pahayag naman ng pamunuan ng himpilan na dapat walang kinikilingan sa pagtulong.