Isang multimillionaire entrepreneur ang sinusubukan ngayong pabagalin ang proseso ng kanyang pagtanda.
![](https://i0.wp.com/brigadanews.ph/wp-content/uploads/2023/05/7-1024x1024-37.jpg?resize=1024%2C1024&ssl=1)
Sa ulat ng Bloomberg, sinubukan umano ng 45 taong gulang na si Bryan Johnson ang
pagkuha ng blood plasma mula sa kanyang 17-taong-gulang na anak at 70-taong-gulang na ama sa pamamagitan ng trigenerational-blood exchange.
Noong Abril, bumisita ang tatlo sa Resurgence Wellness, isang futuristic-looking medical spa sa Arlington, Texas at ginawa ang naturang proseso.
Ang anti-aging experiment ay nagkakahalaga ng dalawang milyong dolyar (mahigit P100 milyon) kada taon.
Gayunpaman, tila walang makakapigil kay Johnson na makamit ang kanyang layunin na manatiling bata.//CA