MRT-3 at LRT-2, may handog na libreng sakay para sa workers ngayong Labor Day

May libreng sakay ang Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3)  at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) para sa mga manggagawa bilang paggunita ng Labor Day.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ipapatupad ang free ride simula mamayang alas-siyete ng umaga hanggang alas-nuwebe ng umaga; at mula alas-singko ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ipakita lamang ang company ID o government issued ID sa MRT-3 personnel sa mga istasyon para makapag-avail ng libreng sakay.