Motorsiklo na ipinahiram-nawala; nasakyan pala ng lasing sa Quezon, Palawan

Naibalik na sa may-ari ang isang motorsiklo na unang ipinanawagan matapos na mawalang nitong gabi ng Miyerkoles.

Ayon sa may-ari na si Princess Renzel, ipinarada lamang ito ng kanyang pinahiram na kaibigan sa parking area ng municipal plaza bago ito nawala.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Nang siyasatin sa Quezon PNP ang CCTV footage sa lugar ay napag-alaman na nasakyan ito ng ibang tao na kapareho umano ng motorsiklo ni Princess.

Kaninang umaga ay nagkita na sila sa Quezon PNP station ng lalaki na nakakuha ng motorsiklo at doon inamin umano nito na lasing lamang siya kaya ang motorsiklo ni Princess ang nasakyan.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Gayunman, humingi na rin daw ng paumanhin ang hindi na pinangalanang lalaki.