Host ang Clark Freeport Zone sa isasagawang motorcycle festival sa February 10 hanggang 11 na gaganapin sa Clark International Speedway.
Inaasahang lalahukan ito ng mga motorcycle enthusiast mula sa iba’t-ibang bansa.
Isa sa magiging highlights ng festival ang Endurance Rally Race sa February 11.
Maliban dito magkakaroon din ng multi-brand demos, bike exhibit, food and non-food concessionaires.
Samantala, tiwala ang Clark and Development Corporation na sa paraang ito ay lalong maipapakilala ang tourism activities sa loob ng Clark at sa Pampanga.
Inorganisa ito ng Club 200 Riders Association Inc, katuwang ang CDC, Mabalacat at Angeles city government, National Federation of Motorycle Clubs Inc at Tourism Promotion Board.
