Motorcycle dealers hindi maaaring mag impose ng installment only policy sa customer- DTI

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi dapat mag- impose ng installment only policy ang mga motorcycle dealer sa kanilang customer.

Ayon kay DTI Public Information Officer Gary Rafanan, alinsunod sa batas dapat mayroong payment option ang customer na naipapaliwanag ng maayos ng dealer.

Sinabi ito ni Rafanan sa isinagawang webinar nitong Miyerkules patungkol sa  Department Administrative Order 21- 03 s.2021 o ang Guidelines for payment options on the purchase of consumer products and services na ang karamihang participants ay ang mga motorcycle dealer sa lalawigan ng Camarines Norte.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

May pagkakataon daw kasi na ipinarating sa kanilang tanggapan na kahit kaya namang magbayad ng cash ng customer upang makaiwas sa interest ay iginigiit ng dealer ang installment basis.

Paliwanag ni Rafanan, labag ito sa batas dahil dapat ay mayroong option ang costumer.

Kung kaya naman umano ng customer at mas komportable ito na magbayad ng cash sa kung ano ang selling price ay dapat itong tanggapin.

“Yung ganung  instant, yun yung clear violation nitong  sa DAO kasi sinasabi niya na wala kang ibang option kundi to have this item on installment basis  which is parang nawawala po yung option ni customer na magbayad sa kung anong mode of payment na gusto niya,,” ani Rafanan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Batay sa probisyon ng naturang DAO, walang sinumang personahe o kumpanya na  dapat mag impose ng “Installment Only” policy bilang mode of payment sa konsyumer.

Sa halip dapat bigyan ng option ang konsyumer na magbayad ng cash, installment o kumbinasyon nito.