CAMARINES NORTE- Pormal na nang ilulunsad ngayong araw sa lalawigan ng Camarines Norte ang Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA) 2023.
Magsisimula ang programa sa Provincial Capitol Grounds na pangungunmahan mismo ni Governor Ricarte Padilla.
Kaugnay nito ay inilabas ng PHO ang ruta na dadaanan ng motorcade na magsisimua dito sa Daet.
Pagkagaling Daet ay magtutungo ito sa San Lorenzo Ruiz at San Vicente at saka didiretso ng Basud.
Pagkagaling ng Basud ay diretso naman ang motorcade sa Mercedes na dadaan sa Bagasbas beach.
Mula sa Bagasbas Beach ay pupunta ito ng sentro, dadaan sa Pandan Elementary at didiretso sa Talisay hanggang Vinzons.
Mula Vinzons ay babalik ito sa kapitolyo at dito na sismulan ang malawakang pagbabakuna.
Kaugnay nito ay hinimok ng PHO ang mga magulang lalo na ang may mga anak na 5 taong gulang pababa na makipag ugnayan sa kanilang RHU para sa pagbabakuna.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, mahalagang hakbang ang pagbabakuna upang masigurong ligtas ang mga bata sa Tigdas, Tigdas – hangin at Polio.
Ayon naman kay Dr. Desiree Bricenio National Immunization Program Regional Medical coordinator ng DOH Bicol, tanging bakuna lang ang paraan upang maiwasan ang mga nabanggit na sakit at manatiling ligtas ang mga bata.
Kumpiyansa rin ito sa commitment ng mga LGU sa malakawakang supplemental Immunization activity na gagawin ngayong buong buwan ng Mayo.
Ani Bricenio, ang LGU naman talaga dapat ang mangunguna sa mga ganitong aktibidad kasabay ng pagtitiyak na laging nakasuporta ang DOH.
