Motor, sumalpok sa isa pang motor sa General Nakar, Quezon; 2 rider, sugatan

Sugatan ang dalawang rider matapos magkasalpukan ang motorsiklo ng mga ito sa Barangay Maigang, General Nakar, Quezon nitong Lunes, Abril 29.

Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, inokupa umano ng motor na minamaneho ni alyas “Romnick” ang opposite lane na nagresulta ng pagsalpok nito sa kasalubong na motor.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Parehong nagtamo ng mga injury sa ulo ang parehong mga driver kung kaya isinugod ang mga ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sa ngayon, bukas ang magkabilang panig sa mga usapin hinggil sa aksidente.