Modus na ‘Alok- tulong’ sa isang ospital, ibinulgar sa Brigada

Naalarma ang isang ginang na may na-confine na pasyente sa isang pribadong ospital sa Puerto Princesa City.

Ayon sa ginang na alyas Guinevere, noong June 24, 2022 habang siya’y nasa billing section ng Adventist Hospital ay may lumapit sa kanyang babae at nagtanong kung magkano ang kanyang hospital bill.

Nang sabihin nya ang halaga na babayaran ay nag-alok umano ang babae na maaari siyang tulongan na mapadali ang pag-settle nito kung magbibigay ito sa kanya ng 50, 000 pesos, at bibigyan rin daw siya ng guarantee letter.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa kabila nito ay hindi pumayag si Guinevere na magbigay ng halagang nabanggit dahil sa nagduda siya sa kakaibang paraan ng mga nag-alok sa kanya ng tulong.

Kaugnay nito ay nilinaw ng pamunuan ng Adventist Hospital Palawan ang ulat na mayroong nag-aalok ng tulong sa mga mayroong pasyente sa pagamutan para sa pag-settle ng bill.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ayon kay Chief Operation and Relation Officer Jhon Tero, ito ang unang insidenteng nabalitaan nila na may ganitong nangyari sa ospital.

Tinukoy ni Tero na ‘modus’ ang ganitong sitwasyon  dahil ang mga may balance transaction ay dapat sa cashier o billing section lamang aniya nakikipag-ugnayan.

Paalala niya sa mga may pasyente sa pagamutan ay sa social worker o kahera lamang makipag-transaksyon upang hindi mabiktima ng modus.

Samantala, maghihigpit ang Adventist Hospital Palawan sa pagpapapasok.