MMDA, sinisisi ang basura at plywood sa nangyaring pagbaha sa kahabaan ng EDSA

Iginiit ng Metropolitan Manila Development Authority na ang sanhi ng pagbaha sa kahabaan ng EDSA ay ang mga tambak na basura at plywood sa gilid ng mga kalsada.

Ayon kay MMDA General Manager Procopio Lipana, narekober ng mga tauhan ng MMDA ang mga basura sa gilid ng kalsada at iyong iba naman ay nakabara pa sa mga kanal.

Sabi pa ng ahensya na kahit patuloy ang isinasagawang nilang paglilinis ay sangkaterba pa rin ang basura sa kalsada.

Bukod sa madaming basura isa rin sa tinitingnan ng ahensya ay biglaang pagbuhos ng malakas na ulan noong Sabado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *