MMDA, hindi kakayanin ng buong pwersa nila na bantayan ang buong Metro Manila

Aminado si Metropolitan Manila Development Authority Acting Chairman Atty. Don Artes na hindi kaya ng buong pwersa ng MMDA na bantayan ang buong Metro Manila.

Ito ay matapos maglabas ng desisyon ang korte suprena na nagbabawal sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na mag-isyu ng traffic violation ticket at mangumpiska ng lisensiya ng driver.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Ayon kay Artes, nasa halos 2,500 lamang ang kanilang enforcer at kinakailangan nila ang tulong ng 500 traffic enforcers ng bawat LGU upang mabantayan ang buong Metro Manila.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Dahil dito, magsusumite ay sila ng Motion for Reconsideration.

Samanta, sinabi ni Artes na hindi pa final and executory ang desisyon ng korte suprema kaya pwede pa ring manghuli at mag isyu ng ticket ang mga traffic enforcer ng LGUs.