CAMARINES SUR- Sugatan ang isang lalaki matapos na tagain ng dahil sa selos sa Gainza, Camarines Sur.
Nangyari ito bandang alas 9:40 ng umaga sa Barangay Sampaloc kung saan inabangan at saka sinundan ng 30-anyos na si “Jess” hindi buong pangalan ang Harvester Supervisor na si “Mond” , 36-anyos at sinaksak sa likod gamit ang kutsilyo.
Dinala sa ospital ang biktima habang sumuko naman ang suspek. Ayon kay Gainza Chief of Police PCAPT Allein Molina, duda ng suspek, may relasyon ang biktima at ang kaniyang misis. Frustrated Murder ang kahaharaping kaso ng mister. Hindi na ito ng paunlak ng pahayag.
Paalala ng hepe, eye opener ito sa mag-asawa na pag-usapan ang problema upang hindi humantong sa krimen.