Nakulong ang isang lalaki sa Japan matapos niyang tawagan ng 100 beses at i-phone stalk ang kaniyang asawa.
Ito ay kahit madalas naman silang magkita ng kaniyang Misis.
Depensa ng lalaki na nagawa niya lang iyon dahil sa labis na pagmamahal niya rito.

Ginagamit niya ang hidden number feature ng kanyang smartphone kaya hindi siya matukoy ng misis.
Sa isinagawang imbestigasyon, lumalabas na nagsimulang gawin ito ng lalaki noong July 10 2024 hanggang August 4 2024.
Napansin ito ng babae dahil madalas itong mangyari sa kaniya kaya humingi na siya ng tulong sa mga otoridad.
Ayon sa pulisya, ang kaso ng husband ang pinakaunang insidente ng phone stalking na sangkot ang mag-asawang magkasama naman sa iisang bubong.