Misis at kalaguyo, pina-entrap ni mister sa motel

SORSOGON CITY –Tumakbo at nagsumbong sa himpilan ng pulisya ang isang mister nang masiguro na ang kanyang misis at kalaguyo nito ay pumasok na sa isang motel.

Tinugunan naman ng mga personahe ng Sosogon City PNP ang sumbong ng mister at agad na ikinasa ang entrapment operations, hapon noong Biyernes, Marso 11 sa isang motel sa west district sa lungsod ng Sorsogon.

Read More:  Davao region retains “Cacao Capital” status of the Philippines amid strong production output

Nadatnan ng mga awtoridad ang magkalaguyo na wala nang mga saplot at nasa akto na ng pagtatalik sa isang kwarto sa nasabing motel.

Nakumpiska sa mga ito ang isang ‘pink dildo’ o vibrator para gamiting ebidensya sa korte.

Itinago naman ang pangalan ng mga suspek, kung saan ang lalaki ay isang 26-anyos na mula sa bayan ng Gubat, walang asawa subalit may kinakasama habang ang 28-anyos na misis ay naninirahan sa Brgy Sampaloc ng nasabing lungsod.

Read More:  Fil-Am human rights advocate among 19 slain in Negros Occidental

Samantala, desidido naman ang mister na sampahan ng kasong adultery ang magkalaguyo, na sa ngayon ay pinoproseso na.

PHOTO exclusive for Brigada News FM-Sorsogon