Misalignment ng pondo para sa mga LGU, pinaiimbestigahan sa Kamara

Pinaiimbestigahan ni Leyte Repr. Richard Gomez ang ‘di umano’y ‘misalignment’ sa National Tax Allotments ng Local Government Units o LGU.

Bukod dito ay pinapaaral din ng mambabatas ang funding requirements para sa devolution ng serbisyong pang-national na siyang nilalaman ng Republic Act (RA) 7160 o local government code.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Layunin ng inihaing Resolution 599 ni Gomez ang pagkakaroon ng mas malinaw na paliwanag mula sa national government kung saan magmumula ang kinakailangang pondo ng LGU upang matugunan ang ilang national services.

Ayon sa Leyte Representative, hindi kakasya ang ilalaang pondo para sa mga LGU bilang suplay para sa full devolution sa ilalim ng local government code at Executive Order No. 138.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Base sa Mandanas Ruling ng Supreme Court, sa full devolution, nararapat bigyan ng malaking bahagi sa kinikita ng gobyerno sa national taxes ang mga LGUs.//SMM
#