Misa para sa hustisya ni Gov. Rosal, dinagsa ng empleyado ng city hall, brgy. officials at mga tagasuporta

LEGAZPI CITY – Dinagsa at halos napuno ang Albay Cathedral kahapon dahil sa misa para sa hustisya ni Albay Gov. Noel Rosal matapos i-diskwalipika sa pagkakahalal nito bilang gobernador ng lalawigan.

Sa naging pahayag ni BM Rolly Rosal, sinabi niyang ang nararanasan nilang ito ay isang crisis at malalampasan din nila ito.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Aniya, kung titingnan ay maganda naman ang hangarin o ipinapakita ng bawat opisyal ng gobyerno at mga empleyado ngunit hindi nila inakalang may mga mangyayaring hindi inaasahan tulad na lamang nito.

Dagdag pa niya, naging maganda naman direksyon sa pagpapatakbo o pamamalakad ng mga opisyal ng gobyerno sa lokalidad at maging sa Pamahalaan Panlalawigan.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Binigyang-diin pa nito na mayroong dahilan kung bakit nila ito nararanasan, kung saan, kinakailangang magkaisa para hindi masayang ang nasimulang pagbabago sa Albay at lungsod ng legazpi.

Pinasalamatan din nito ang bumuo sa pag-oorganisa ng misa at mga dumalong mga barangay official, empleyado ng City hall,  Sangguniang Panlungsod, at marami pang iba na pagpapakitang suporta sa kasalukuyang Gobernador.