Misa, idinaos sa PRO-5 para sa tahimik na Halalan ngayong araw

BNFM BICOL –Nagsagawa ng misa ang Police Regional Office o PRO5 sa Sto. Niño Chapel, Camp BGen Simeon A. Ola, Legazpi City kahapon araw ng Linggo.

Sa pangunguna ni PBGEN. Mario A. Reyes, Regional Director ng PRO5, ang nasabing misa o pagdarasal ay para sa layunin ng kapulisan sa rehiyon na magkaroon ng tahimik at maayos na Halalan, gayundin ang paghingi ng patnubay na magampanan nang maayos ng kanilang hanay ang tungkulin ngayong araw.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang mahigpit na implementasyon ng PNP sa mga umiiral na COMELEC guidelines at protocols gaya na lamang ng Liquor ban na nag umpisa na kahapon at maging ang checkpoint at gun ban.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nanawagan din ang PNP sa publiko na ipag-bigay alam sakanilang mga himpilan ang anumang ‘unusual incidents’ na maaaring ikasira ng Halalan ngayong araw.###