Miru System – nanindigang kayang tuparin ang kontrata sa Comelec

Tiniyak ng Miru System sa Commission on Elections na kaya nilang gampanan ang mga tungkuling nakasaad sa kontrata nito para sa 2025 midterm elections.

Ayon sa Miru walang epekto sa trabaho nila ang pag withdraw ng local partner nilang St. Timothy construction corporation na pinuna noon ng Comelec dahil sa planong pagtakbo ng isang may-ari nito.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited
Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sinabi pa ng Miru na sasagutin na ng Integrated Computer System na dati na nitong lokal partners ang credit line na magpopondo sa mga biglaang pangangailangan nila para sa eleksyon.