MILF leadership dapat na makialam sa tensyon ng dalawang grupo sa Datu Piang – Mayor Samama

UMAPELA ngayon si Datu Piang Mayor Victor Samama sa liderato ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na gumawa na ng hakbang upang tulungan sila na maayos ang nagpapatuloy na tensyon sa kanilang bayan sangkot ang ilan nilang grupo.

Ginawa ng alkalde ang panawagan ngayong umaga kasabay ng nagpapatuloy na tensyon sa mga Barangay ng Masigay at Kalipapa ng bayan kung saan ilan sa mga nasasangkot dito ay myembro di-umano ng 105th BC ng MILF.

Read More:  Kabankalan LGU to takeover Dr. Gumersindo Garcia, Sr. Memorial Hospital

Kahapon ay umalingawngaw muli ang palitan ng putok sa pagitan ng dalawang magkalabang grupo na kamakailan lamang ay inayos na ng LGU sa harap ng Militar pero sa di malamang dahilan, muli itong naungkat.

Read More:  Karapatan cites drone footage in possible ‘hors de combat’ killing in Negros

Gumagawa na ngayon ng hakbang ang Lokal na Pamahalaan ng bayan na matuldukan sa lalong madaling panahon ang insidenteng ito dahil lubhang apektado rito ay ang mga sibilyan dagdag ni Mayor Samama.

Matatandaan na nag-ugat ang insidenteng ito matapos na mabaril at mapatay ang isang Brigade Commander ng 105th Base Command na si Kumander Barakuda kamakailan.