Michael Yang posibleng ipaaresto ng Senado matapos muling isnabin ang blue ribbon hearing

Isinulong ng ilang senador na ipa-cite in contempt na si former economic adviser Michael Yang matapos isnabin ang senate blue ribbon committee hearing kaugnay sa paggasta ng COVID-19 response fund ng pamahalaan.

Ayon kay Blue Ribbon committee chairman Sen. Richard ‘Dick’ Gordon dalawang beses na nilang pinadalhan ng subpoena si Yang subalit hindi pa rin ito sumisipot sa mga pagdinig.

Read More:  Negros Occidental 6th district’s Alvarez elected House deputy speaker

Dahil dito nagkaisa sina Senators Kiko Pangilinan, Ping Lacson at Risa Hontiveros na i-cite in contempt si Yang at padalhan ng warrant of arrest para dalhin sa senado.

Read More:  Imee Marcos seeks Senate probe into Pax Silica Project as Malacañang rejects claims farmers will be displaced

Magugunitang si Yang ay malapit na kaibigan ni Pangulong Duterte at ngayon ay ini-uugnay sa kumpanyang Pharmally Phamaceuticals na umano’y nakakuha ng bilyones na halaga ng kontrata mula sa gobyerno ng pumutok ang COVID-19 pandemic