Michael Cataroja, ibinalik na sa NBP

Inanunsyo ng Angono Police Station duty personnel na ibinalik na sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa ang puganteng si Michael Cataroja matapos mahuling nagtatago sa Rizal.

Read More:  Over 200 Lakbayan protesters released after 70-hour detention

Kasama ni Cataroja ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor), mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT), mga tauhan ng Angono Police Station, at ng Rizal Police Provincial Office.

Read More:  Two former Sara Duterte staff members brought to safety

Sa kanyang pagbalik sa NBP, ikinababahala ni Cataroja ang kanyang kaligtsan dahil aniya, ikamamatay niya raw ang pagbabalik-kulungan.

Naniniwala kasi itong galit sa kanya ang mga kapwa niyang preso dahil sa ginawa nitong pagtakas.