Humingi ng paumanhin ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga inidibidwal na nakagat ng surot sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nakatanggap kasi ang MIAA ng mga ulat hinggil sa kumakalat na post sa social media ng ilang indibidwal na nakagat umano ng surot sa NAIA Terminal 2 at NAIA Terminal 3.
Tiniyak naman ng pamunuan ng paliparan na agad binigyan ng paunang lunas ang dalawang tao na nakagat ng surot.
Inatasan na ni MIAA General Manager Eric Ines ang kanilang terminal managers na imbestigahan at magsumite ng report sa loob ng 24 oras kaugnay sa nangyaring insidente.
Bukod dito, magsasagawa rin sila ng comprehensive facility inspection at pag-iigihin pa ang ipapatupad na sanitation measures sa mga nabanggit na terminal.
Sa huli, nangako ang pamunuan ng paliparan na kanilang mamadaliin ang resolusyon sa naturang insidente.