Mga vendors na fully vaxx nakakuha ng livelihood kit mula sa DOLE

SORSOGON CITY – Hindi lamang nakakuha ng proteksyon mula sa sintomas ng Covid-19 ang 10 fully vaccinated na vendors mula sa coastal municipality ng Milgaros, Masbate.

Ang mga ito ay nakatanggap din ng mga bagong biseklita at mobile phones sa ilalim ng “Bikecination” project ng DOLE-Bicol.

Read More:  Barangay chairman of Barangay Lamintak Sur, Medellin arrested for qualified theft

Ayon sa tagapagsalita ng DOLE-Bicol na si Johan Vi Gasga, nasa P25K Kabuhayan Starter Kits ang biseklita na may kumpletong accessories tulad ng signal light, carrier, rear rack, insulated delivery bag, helmet at iba pa.

Read More:  17-year-old student chases alleged bullies with balisong in Cebu

Ang mobile phone naman ay may kasamang SIM card na may laman na P4K.

Ang “Bikecination” ay isang espesyal na proyekto sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program na tumutulong sa mga entrepreneurial ventures ng mahihirap, marginalized at ‘crisis-hit’ na manggagawa na ganap na nabakunahan.