Mga tatawid ng dagat palabas ng Bicol, hinihikayat na bumiyahe na habang wala pang gale warning dahil sa Bagyong Aghon

LEGAZPI CITY – Hinihikayat ng Office of the Civil Defense (OCD) Bicol ang lahat ng mga tatawid ng dagat palabas ng rehiyon na bumiyahe na habang wala pang gale warning bunsod ng Bagyong Aghon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay OCD Bicol Regional Spokesperson Gremil Naz, nananawagan siya lalo na’t mabilis ang kilos ng bagyo.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Malaki kasi umano ang posibilidad na sa mga susunod na abiso ng PAGASA ay ilang lugar na ang maisama sa listahan ng mga Tropical Cyclone Wind Signals, kung saan hindi na rin papayagang bumiyahe ang mga roro vessels.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Samantala, panawagan ni Naz sa publiko na manatili lamang na nakatutok sa updates at abiso ng PAGASA tungkol sa nasabing bagyo, lalo’t hindi rin inaalis ang posibilidad na duman ito sa rehiyon.