Mga suspek sa pagpatay sa dalawang pulis sa Mabalacat city, arestado na

Nasa kamay na ng pulisya ang mga suspek na nasa likod ng pagpatay sa dalawang pulis sa Mabalacat city kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina JUNJUN BALUYUT residente ng bgy Tabun, ARIES BAGSIC residente ng bgy Lakandula at LESLIE PLACIENTA ng bgy Dau.

Habang napatay naman ang isa pang itinurong suspek na si KIEL PATRICK CHUA alyas Kelkel, matapos itong makipag barilan sa mga pulis na nag mamando sa checkpoint.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sa halip kasi na huminto nang parahin ng mga pulis, tumakas ito at nakipag barilan pa sa mga pulis.

Samantala narekober din ng pulisya kay Junjun Baluyut ang isang orange Honda click na may mantsa pa ng dugo, na pinaniniwalaang ginamit sa pag gawa ng krimen.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

May isa pang tinutugis ang pulisya na nagngangalang KENNETH FLORES alyas Pusa, dahil natagpuan sa alulod ng bahay nito ang service firearm ng isa sa mga napatay na pulis.

Maaalalang pinagbabaril nitong Sabado ang dalawang pulis na kinilalang sina PSMS Sofronio Capitle Jr at PSSG Dominador Gacusan Jr, habang pauwi galing sa isang anti-illegal drugs operation.