Mahigit 15,000 mga mag-aaral sa Albay, apektado dahil sa Bulkang Mayon; DEPED, posibleng magpatupad ng modular o blended learning system matapos gamitin ang ilang paaralan bilang evacuation centers

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Education (DEPED) Albay na mahigit 15,000 mga mag-aaral sa Albay ang apektado dahil sa nagpapatuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ang ilang paaralan kasi ay nagsilbing evacuation centers ng mga apektadong residente.

Ayon kay DEPED Albay Project Development Officer Alvin Cruz, ito ay alinsunod sa Republic Act No. 10821 o Children’s Emergency Relief and Protection Act, kung saan nakasaad na 3-15 araw lamang maaaring gamitin ang mga silid-aralan bilang evacuation centers upang hindi maantala at maapektuhan nang matagal ang pasok ng mga mag-aaral subalit dahil sa kasalukuyang sitwasyon, pinag-aaralan na nila ang ibang hakbang.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Hindi rin kasi maaaring paalisin ang mga evacuees sa mga silid-aralan mas lalo pa’t mahirap umano para sa lalawigan dahil kulang na kulang ang mga evacuation facilities ng mga LGU.

Sa pagtala, umaabot kasi sa 14 na mga paaralan sa lalawigan ang ginamit bilang evacuation centers na kinabibilangan ng mga bayan ng Daraga, Camalig, Malilipot, Guinobatan at Santo Domingo batay sa ulat/datos na kanilang natanggap.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Aniya, sa datos ay umabot na sa kabuuang bilang na 15,572 na mga mag-aaral sa lalawigan ang apektado ngayon dahil sa bulkan.

Dahil dito, ayon kay Cruz, mayroon na silang inihandang learning contingency plan, kung saan ipatutupad ang modular learning modality habang pansamantalang nasa evacuation centers ang mga mag-aaral.

Subalit, kung mayroon namang mga silid-aralan na maaaring gamitin, maaari namang magkaroon ng blended learning, depende na lamang sa assessment ng mga school heads.