Mga sidewalk vendors sa Naga City na lumalabag sa ordinansa kabilang sa huhulihin ng mga personahe ng Public Safety Office sa patuloy na road clearing operation

NAGA CITY –  Buhay na buhay pa ang road clearing operation sa Naga City bilang pagpatupad sa ilang ordinansa kabilang na ang wheel clamp at sidewalk vending ordinance na tila binabalewala na naman.

Marami na namang sasakyan ang naka parade sa maling lugar kaya na we-wheel clamp ang mga ito at maging ang mga sidewalk vendors halos nasa gitna na naman ng kalsada.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Ito ang pagsasalarawan ni Renne Gumba, executive director ng Public Safety Office sa matapos na makita niya ang sitwasyon ng mga ito.

Bilang kanilang pag-aksyon, alas sais pa lamang ng umaga ay naka deploy na ang mga PSO personnel para hulihin ang mga violators.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Nakakalungkot aniya dahil sa pagbibigay nila ng konsiderasyon ay inaabuso naman sila, kaya kailangan na higpitan uli at bigyan ng penalidad batay sa nakapalaman sa ordinansa.

Partikular na may ganitong senaryo ay sa paligid ng Naga City People’s Mall at sa iba pang major streets ng lungsod.