Mga residente ng Koronadal Cityville, may tubig na!

KORONADAL CITY – NILAGYAN na ng City Government ng Koronadal ng koneksyon ng tubig ang mga okupante ng Koronadal CityVille bilang sagot sa kanilang hiling sa LGU.

Ayon sa Special Projects Unit o SPU, naging posible ang nasabing proyekto dahil sa pakikipag-negosasyon sa lokal na pamunuan ng City of Koronadal Water District o CKWD.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang pondo ng nasabing programa ay inindorso naman sa Barangay Development Project o BDP para sa pagpapatupad ng proyekto.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Maliban dito, naka-discount din ang mga home owners sa SOCOTECO I para sa bayad ng pagpapakabit ng kanilang kuryente dahil sa orihinal na babayarin na ₱4,000.00, ito ay naipababan sa ₱1,050.00.