Mga residente ng EMBO barangays – ‘di makaboboto sa congressman post sa 2025

Inanunsyo ni Commission on Elections (Comelec) chairperson George Erwin Garcia na hindi makaboboto para sa congressman position ang mga residente ng 10 Enlisted Men’s Barrios (EMBO) barangays, na noo’y nasa jurisdiction ng Makati City.

Ang mga barangay na ito ay ang Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo, Pitogo, Rizal, Northside, and Southside.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sakop na ngayon ang mga barangay na ito ng Taguig City.

Ayon kay Garcia, ang naturang mga lugar ay maaari lang ng makaboto sa mayor, vice mayor, at city council.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Pero paglilinaw nito – ang mga residente na kalilipat lamang sa Taguig ay hindi maaaring bumoto sa congressman position.

Wala pa umano kasing batas na nagsasabing bumuo at nagkaroon ng bagong distrito sa Taguig.