NAGA CITY- Kolorum nang maituturing mula sa Pebrero 1, 2023 ang mga Public Utility Jeepney kung hindi nag-consolidate o sumama sa kooperatiba o korporasyon ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board Central Office.
Sa nakuhang datus ng BNFM Naga sa LTFRB-Bicol umabot na sa 72 routes o 1, 476 ang consolidated sa Camarines Sur o 87%. Ang mga unconsolidated ay pinapayagan na makapagbiyahe hanggang sa Enero 31 na lamang. Sa ngayon mayroong mga driver at operator na naninindigang hindi sila sasama magcoconsolidate.
Ayon kay LTFRB Bicol Regional Director Joel Defeo bayan ng San Jose at Iriga City pa lamang ang compliance sa Local public transport route plan (LPTRP) na isa sa mga hinihingi sa Public Utility Vehicle Modernization Program, ang kawalan kasi nito ay daan upang hindi makapag loan sa bangko. Nakapag sumite na rin ang 32 pang mga LGU sa Camarines Sur pero dalawa pa lamang ang aprubado, mayroong mga for revisions.