Pinapayuhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang mga piloto na huwag lumapit o dumikit sa Bulkang Taal at Mayon.
Naglabas ng Notice to Airmen ang CAAP kaugnay ng pagtaas ng alerto sa dalawang bulkan dahil sa ipinapakitang abnormalidad nito.
Sa naturang abiso, pinapayuhan ang mga piloto na huwag lumapit ng hanggang 10,000 feet mula sa tuktok nito dahil mapanganib sa mga eroplano at anumang sasakyang panghihimpapawid ang ibinubuga nitong abo.

Sa ngayon ang Bulkang Mayon ay nasa alert level 2 habang ang Taal Volcano ay nasa alert level 1. // CA, edited MHEL PACIA