Tinanggap at inaprubahan ng mayorya ng mga Pilipino ang naging pagtugon ng Marcos administration sa sampu mula sa 13 major issues ng bansa.
Ayon sa ‘Ulat ng Bayan’ Pulse Asia Survey – lumabas na mataas ang approval ng mga respondents sa naging hakbang ng administrasyon para ma-address ang iba’t ibang issues.

76% ng mga ito ang nagsasabing approve sila sa pagprotekta sa welfare ng mga overseas Filipino workers (OFWs); habang 73% naman ang aprub sa pag-address sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng kalamidad.
Samantala, ‘disapprove’ naman ang nakuhang marka ng administrasyon sa iba pang mga issues gaya ng job creation na may -10% points; poverty reduction na may -10% points; at pagtugon sa inflation sa +8% points lamang.