LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng disinfection ang General Services Office (GSO) sa Daraga North Central School upang maiwasan ang pagkakaroon ng ma kaso ng hand, foot and mouth disease (HFMD).
Ayon sa nasabing opisina, ang pagsasagawa ng disinfection sa paaralan ay bilang bahagi ng precautionary measures kontra sa nasabing sakit.
Dagdag pa nito, sakali mang magkaroon ng sintomas tulad ng pagkati sa lalamunan, pagsakit ng ulo, pagkakaroon ng rashes sa kamay, paa at iba pang bahagi ng katawan ay agad ng kumonsulta sa doktor o lumapit sa pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng agarang mga gamot at maiwasan ang pagkalat nito.
Sa ngayon ay patuloy ang information education campaign sa mga magulang tungkol sa hand foot and mouth disease.