Tatlong araw bago mag-eleksyon, dagsa na ang mga pasahero sa mga paliparan at bus terminal na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya para bumoto ngayong eleksyon.
Sa NAIA, kanina pang madaling araw mahaba ang pila ng mga pasaherong magsisipaguwian.
Partikular na marami sa mga pasahero ay patungo sa Visayas at Mindanao.
Sa ngayon, wala pa namang namomonitor na cancelled flights sa NAIA Terminal 3.
Samantala, nagsisimula na ring magsidatingan ang mga pasaherong uuwi sa mga probinsya sa Araneta Bus Center at sa PITX.

Ayon sa mga pasahero, inagahan na nila ag pagbyahe para makaiwas sa siksikan.
Kaugnay nito, una nang tiniyak ng Philippine National Police na mahigpit nilang babantayan ang seguridad ng mga babyahe nating mga kababayan ngayong eleksyon.(CLAY MARQUEZ)
#