Mga parol na may pailaw at gagamitin ng Olongapo LGU gagawin ng mga PDL

Gagawin ng mga Persons Deprived of Liberty ang mga parol na may pailaw na i-didisplay ng Olongapo City Government.

Nasa 25 PDL ng Bureau of Jail Management and Penology ang bubuo ng 150 christmas lanterns para sa lungsod.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon sa Pamahalaang Panlungsod, ito ang magpapaliwanag sa mga kalye ng syudad sa panahon ng kapaskuhan at ang kikitain dito ay mapupunta sa pamilya ng mga PDL.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Samantala, isinailalim sa pagsasanay ang mga gagawa nito sa pamamagitan ng programa ng City Government katuwang ang BJMP.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO