CAMARINES NORTE – Tinadtad ng paalala ng Provincial Health Office at Department of Health ang mga government at private hospitals sa Camarines Norte kaugnay sa iwas paputok campaign.
Sa unang araw ng monitoring sa firecracker related injury ay nagkalat ang tarpaulin sa loob at labas ng mga ospital pati na rin sa mga Rural Health Unit.
Ang mga pribadong ospital ay magrereport din sa PHO kung mayroong firecracker related injury na ginamot sa kanilang pasilidad.
Batay naman sa datos ng PHO zero case ang Camarines Norte sa ikalawang araw ng monitoring.
Nanggaling ang report mula sa Camarines Norte Provincial Hospital, Labo District Hospital, Capalonga Capalonga Medicare and Community Hospital, Rural Health Unit ng Jose Panganiban at Basud Municipal Health Office.
Maliban naman sa paputok ikinakampanya rin ng PHO ang Ligtas Christmas para sa Healthy Pinas na nagpapaalala na manatiling ligtas sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon. Nauna nang nagpaalala si Provincial Health Officer Dr. Arnel Franciso na ingatan ang kalusugan habang nagsasaya ngayong Christmas season.
