Mga OPM artists, naki-jamming sa concert ng Coldplay

Pinangunahan ng iba’t ibang local artists ang opening act sa ‘Music of the Spheres’ concert ng British rock band na Coldplay.

Isa na rito ang solo artist na si Jikamarie, kung saan nasiyahan ang fans sa kanyang mag performances. Kabilang na ang TikTok hit song na “Lutang.”

Read More:  Will Ashley says he and Mika Salamanca have grown closer

Naka-jamming naman ng Coldplay ang OPM bands na Lola Amour at Dilaw sa isang performance.

Kinanta ng bokalistang si Chris Martin ang hits ng mga banda na “Raining in Manila” at “Uhaw.”

Read More:  Regine announces free final major solo concert

Ayon sa mga banda, inaral talaga ni Chris ang mga tagalog songs at nakasama pa nila mismo sa soundcheck.

Picture from: Coldplay FB page