Good news para sa mga Over Seas Filipino Worker sa Taiwan dahil may aasahang bagong minimum wage law sa nasabing bansa.
Simula January 1 mahigit NT$1,000 ang itataas na minimum wage sa Taiwan.
Pormal na ring isinabatas ang taunang minimum wage review base sa coast living at lagay ng ekonomiya ng Taiwan.
Pinabigat naman ang parusa sa mga employer na hindi susunod sa taas-sahod.
Ayon sa Manila Economic Cultural Office, mahigit 120k na mga Filipino factory workers ang makikinabang sa bagong minimum wage law ng Taiwan kabilang ang mga bagong hired bago magtapos ang 2023.
Bukod sa Taiwan maganda rin ang pasok ng bagong taon sa mga Pilipinong gustong magtrabaho sa Japan dahil samu’t saring trabaho ang magbubukas para sa mga Pilipino.
