Mga negosyanteng Muslim na galing sa Marawi City inaasahang darating sa Naga City

NAGA CITY – Darating sa Naga City ang mga negosyanteng Muslim mula sa Marawi City bago pa magsimula ang Peñafrancia Fiesta celebration ngayong Setyembre.

Ang iba sa mga ito ay dati ng nanirahan sa lungsod ng Naga bago pa magkagiyera doon sa Marawi at bago pa ang pandemya na dala nitong COVID-19.

Read More:  ₱4.35-M worth of smuggled cigarettes seized in Negros Occidental

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Mike Mustapha ang  head ng Muslim Community Affairs Office sa lungsod.

Batay sa pahayag ni Mustaphabaka maunang dumating ang mga Muslim na mga negosyante keysa sa iba, kailangan aniya kasing makakuha ng lugar sa pagtitinda ang mga ito bago pa magkaubusan ng puwesto.

Read More:  Four BIFF Karialan faction members return to government in Maguindanao del Sur

Ang populasyon ng Muslim community sa Naga City ay nasa mahigit ng dalawang libo at ang lahat ng mga ito ay permanente ng naninirahan sa lungsod.