Mga nasa coastal area ng Camarines Sur , pinag-iingat sa pabalik-balik na Amihan at Shearline

NAGA CITY- Malamig na panahon at nakaranas din ng pag-ulan ang Camarines Sur nitong mga nagdaang araw, nagiging masungit din ang karagatan.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Weather Forecaster Mike Padua, ang Shearline ang dahilan ng malamig na panahon hanggang kahapon. Kapag lumalakas aniya ang Amihan, kasabay nito ang Shearline.  Kaugnay nito, pinag-iingat ni Padua ang mga nasa coastal area lalo na ang mga mangingisda at may maliliit na sasakyang pandagat dahil sa panganib ng malalakas at malalaking alon.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga
Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Tulad ng forecast ng PAGASA wala namang nakikitang posibleng mabuong bagyo hanggang sa katapusan ng Enero.