Mga nasa A1 at A2 categories prayoridad para sa Janssen vaccine

SORSOGON CITY – Mga senior citizens at mayroong mga co-morbidities, ito ang prayoridad na mabigyan ng Janssen vaccines ng Johnson & Johnson na dumating sa lalawigan ng Sorsogon nitong nakaraang linggo.

Sa pahayag ni Provincial Health Office (PHO)-Sorsogon head Renato Bolo Jr., sinabi nito na ito’y batay na rin sa kasunduan sa pagitan ng COVAX, ang pasilidad kung saaan iniimbak ang mga donasyong bakuna.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Aniya, kanila namang pinapaboran ang nasabing sistema dahil tulad ng COVAX facility nais din nilang ang mga kabilang sa vulnerable sectors ang maging prayoridad sa pagtuturok ng bakuna.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Una rito, may kabuuhang 33, 280 vials o katumbas na 166,400 doses ang dumating kung saan 24,000 dito ay para sa Provincial Health Office habang ang 6,700 naman dito ay alokasyon para sa City Health Office.