LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Provincial Youth and Sports Development Office (PYSDO) na ang mga nanalong Sangguniang Kabataan (SK) Chairperson at SK Kagawad sa lalawigan ay dadaan muna sa 15 araw na mandatory training.
Ayon kay PYSDO head Rhondon Ricafort, kailangang makipag-coordinate ang mga nanalong SK sa kanilang Local Youth Development Offices para sa nasabing training.
Isa ito sa requirements bago sila maupo sa kanilang pwesto alinsunod sa guidelines ng DILG.
Alinsunod naman sa Supreme Court decision, nilinaw ng COMELEC na sa oras na naiproklama na at nanumpa na ang mga kandidato, sila ay kaagad at epektibong makakaupo sa pwesto.
Subalit nakapaloob sa Section 27 ng RA 10742 na kailangang kumpletuhin ang isang mandatory training kung saan kasama ang SK.