Mga nanalo sa pagka-alkalde at iba pang local officials sa Metro Manila, ipinroklama na

Pormal nang ipinroklama ang ilang mga reelectionists, at mga bagong local officials sa Metro Manila.

Matapos ang isinagawang pagbibilang ng mga local canvassers sa mga lungsod, opisyal nang idineklara ang pagkakapanalo ng mga ito.

Sa Pasig City, ipinroklama na kaninang umaga ang reelectionist na si Mayor Vico Sotto. Nakuha nito ang 335,851 votes habang ang katunggali nitong si Vice Mayor Iyo Bernardo sa 45,604 votes.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Tuloy-tuloy din ang termino ni Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang alkalde.

Sa Makati City naman, wagi para sa ikatlo nitong termino si Mayor Abby Binay, habang panalo rin ang kasalukuyang Vice Mayor na si Monique Lagdameo.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Wagi rin ang reelecitonist na si Mayor Francis Zamora sa San Juan City.

Ipinroklama naman si Vice Mayor Dra Honey Lacuna bilang bagong Alkalde ng Maynila at si dating vice mayor Jeannie Sandoval sa pagka-alkalde sa Malabon City.

Sina Lacuna at Sandoval ang kauna-unahang babaeng alkalde sa kanilang mga nasasakupang lungsod.
#