Mga namataang barko ng China sa WPS, lumobo noong 2023

Lumobo ang maritime militia deployment ng China sa Mischief Reef o Panganiban Reef noong Hulyo 2023, kung saan hindi bababa sa 180 sasakyang-dagat ang nakitang nagtitipon sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon sa Washinton-based think tank na Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI), sinusubaybayan nito ang mga barko ng China na naka-deploy sa buong South China Sea gamit ang kanilang satellite imagery.

Read More:  Sandiganbayan denies Revilla’s request to attend brother’s wake

Naobserbahan nila ang 195 Chinese militia vessels noong nakaraang taon, na may sukat sa pagitan ng 45 hanggang 65 metro.

Read More:  Palace urges VP Sara to answer before Impeachment Court

Bukod pa rito, iniulat ng Philippine Navy noong Enero na may naobserbahang 200 militia ships, 15 -25 warships, at 10-15 coast guard ships mula sa China sa paligid ng Panganiban Reef.